MANILA, Philippines – Nagsimula na ang mga kilos-protesta bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong Lunes, Hulyo 22.
Sa isang kilos-protesta, sinunog ng mga mga grupo mula sa Timog Katagalugan ang sang effigy nina Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte bandang alas-8 ng umaga.

Naglunsad ng simbolikong pagwasak sa effigy ang mga mass leader ng iba’t ibang progresibong grupo sa Timog Katagalugan bilang patatapos ng kanilang programang inilunsad na tinawag na State of the Region Address.
May temang “Lipunang malaya mula sa pananamantala at ang pagbubuklod ng nagkakaisang mamamayan tungo sa pambansang soberanya,” ang nasabing programa, ayon sa mga grupo.
Samantala, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Sabado na hindi huhulihin ng mga lokal na alagad ng batas ang sinumang mahuling nasusunog sa effigies sa panahon ng SONA ni Marcos.
“Wala po tayong aarestuhin. In fact, yung binanggit na batas, ang ating QCPD with regards to effigy, nung pinag-aralan ko po yung batas, it refers to the distance,” ani Belmonte.
“So kailangan, kung with 100 meters, bawal po yung magsunog ng effigy. Pero beyond 100 meters, wala naman pong binanggit yung batas na bawal.” dagdag niya.
A






