MANILA, Philippines – Mahigit 25,000 indibidwal sa Quezon City ang nananatili ngayon sa iba’t ibang evacuation centers sa gitna ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng Bagyong Carina at habagat.
“As a precaution for Typhoon Carina, designated evacuation sites have been established in areas prone to flooding or landslides for the safe and swift evacuation of approximately 8,580 families and 25,867 individuals in our city,” base sa Facebook post ng Quezon City government.
May kabuuang 82 barangay ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at matinding pagbaha sa lungsod.
Ang pamahalaang lungsod ay kasalukuyang mayroong 157 evacuation centers.
Para sa anumang emergency, maaaring tawagan ng mga residente ang Quezon City Helpline: 122 o ang Emergency Operations Center nito: 8988-4242 local 8038/ 0947-885-9929/ 0947-884-7498. RNT