Home NATIONWIDE Gasolina tataas ng P3.50/L; diesel, kerosene may rollback

Gasolina tataas ng P3.50/L; diesel, kerosene may rollback

1
0

MANILA, Philippines — Tataas nang P3.50 kada litro ang presyo ng gasolina sa unang linggo ng Nobyembre, ayon sa Department of Energy (DOE).

Samantala, may rollback naman sa presyo ng diesel at kerosene.

Batay sa abiso ng DOE, bababa nang P1 kada litro ang diesel habang P1.90 kada litro naman ang bawas sa kerosene.

Ang mga adjustment sa presyo ng produktong petrolyo ay inaasahang ipatutupad ng mga oil company ngayong linggo.

Dahil dito, mas mabigat ang dagdag-gastos para sa mga gumagamit ng gasoline-powered vehicles, habang makikinabang naman sa rollback ang mga gumagamit ng diesel at kerosene. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here