Home NATIONWIDE Pag-amyenda sa EPIRA, CREATE law, matatapos sa loob ng isang taon –...

Pag-amyenda sa EPIRA, CREATE law, matatapos sa loob ng isang taon – Escudero

139
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tatapusin ang proseso sa pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Law bago ang susunod na State of the Nation Address.

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na binanggit ng Pangulo ang naturang batas sa ikatlong SONA nitong Lunes.

“Dalawa lang naman ‘yung binanggit niya, maliban doon sa mga pinagusapan namin sa LEDAC, dalawa lang ang binanggit niya na panibagong batas na nais niyang makita na ipasa ng Kongreso. Buo ang kumpiyansa kong maipapasa namin bago sa susunod niyang SONA next year,” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na hinihintay lamang ng Senado ang ilang specific amendments na isasama sa batas na nakapokus sa pagpapababa ng halaga ng kuryente at pagtaas ng sapat na suplay ng enerhiya sa bansa.

“Hinilingan ko na ng proposed amendment ang Department of Energy gayun din ang tanggapan ng Pangulo habang kasalukuyan din kaming nagda-draft ng mga amendments na sa isip namin ay kailangan para mapababa ang presyo ng kuryente sa ating bansa. Basically, layunin lamang ng amendment na ito na mapalaki pa ang supply ng kuryente sa ating bansa,” ayon kay Escudero.

Inihayag pa ni Escudero na nakatakda nang isalang sa plenaryo ang committee report ng CREATE MORE o ang panukalang batas na mag-aamyenda sa bill CREATE Law ni Senator Sherwin Gatchalin sa linggong ito.

Tagapangulo si Gatchalian ng Senate ways and means committee.

“‘Yung CREATE MORE na ilalabas na ni Senator Win ngayong linggong ito ‘yung committee report para sa lalong madaling panahon ay maaprubahan na namin dahil aprubado na yan sa Kamara at nandito yung mga kasamahan namin sa Kamara rin na nauna nang nag-apruba niyan,” ayon kay Escudero. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here