MANILA, Philippines- May kabuuang 14 major national roads sa Metro Manila na tinukoy na hindi madaanan dahil sa pagbahang dulot ni bagyong ‘Carina’ ang natanggalan na ng debris at bukas na sa mga motorista, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes.
Sa isang travel advisory, sinabi ng DPWH na matatagpuan ang reopened road sections sa Manila, Malabon City, at Valuenzuela City.
Inihayag ng DPWH na kabilang sa cleared roads ang Tayuman corner ng Jose Abad Santos Avenue; Bonifacio Drive (NB) P. Burgos St.; Gov. W. Pascual Ave.; C. Arellano St., Paez St., hanggang Sacristia St.; Sanciango St., Francisco Compound hanggang P. Aquino St.; Don Basilio Bautista Blvd., Dampalit Bridge hanggang JCT Womens Club; P. Aquino St., Sanciango St.; P. Aquino St., Gen. Luna St. Intersection; C-4 Road; JCT Women’s Club, Flores St. hanggang Naval St.; M.H. Del Pilar St., corner E. Rodriguez St.; M.H. Del Pilar St., Yanga St. hanggang San Vicente Village; M.H. Del Pilar St., Buenaventura St. hanggang Arkong Bato; at Mac Arthur Highway.
Samantala, sarado pa rin ang Lagusnilad Underpass sa Manila hanggang nitong Huwebes ng tanghali dahil sa landslides dulot ng bagyo.
Patuloy na binabantayan ng DPWH maintenance crew ang mga kalsada katuwang ang quick response team. RNT/SA