Home NATIONWIDE P2.9M tulong alok ng Singapore Red Cross para sa Carina relief ops

P2.9M tulong alok ng Singapore Red Cross para sa Carina relief ops

127
0
(c) Go Batangas

MANILA, Philippines- Nangako ng USD50,000 (humigit-kumulang P2.9 milyon)  ang Singapore Red Cross (SRC) sa Philippine Red Cross (PRC) upang suportahan ang mga emergency operation nito pagkatapos ng Super Typhoon Carina at Habagat na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila noong Miyerkules.

Makatutulong ang humanitarian aid na masakop ang mahahalagang tulong at relief  sa mga apektadong komunidad.

“The intensified rainfall, floods and landslides caused by the tropical cyclone have a devastating impact on families and communities. We are closely monitoring the situation and are in close communication with the Philippine Red Cross to ensure that our contribution provides the best support to the affected communities,” sinabi ni Singapore Red Cross Secretary General at chief executive officer Benjamin William noong Biyernes.

Nag-deploy na ang PRC ng kanilang Emergency Response Unit (ERU), kabilang ang  specialized teams para sa search and rescue missions sa binahang lugar. 

Mahalaga rin ang PRC sa pagpapadali ng mga pagsisikap sa paglikas sa iba’t ibang lugar na binaha, kabilang ang pagtatayo ng mga welfare desk sa mga evacuation center. Dagdag pa, ang PRC ay nagpakilos ng mga mahahalagang sasakyan at asset, kabilang ang 6×6 multi-purpose response truck, na idineploy upang tulungan ang mga residente.

Habang patuloy na gumaganda ang sitwasyon, inilagay ng PRC at ang mga lokal na chapter nito sa alert status para sa mga relief operations sa buong bansa. 

Ang pinagsamang epekto ng habagat, pinatindi ng Super Typhoon Carina, ay nagdala ng malakas hanggang sa matinding pag-ulan sa buong Pilipinas noong Miyerkules.

Ang Northern Luzon ay nakaranas ng matinding epekto habang ang mga lalawigan sa Central Luzon ay nahaharap sa matinding pagbaha at pagkawala ng kuryente.

Sa Metro Manila, ang malakas na buhos ng ulan ay nagdulot ng malawakang pagbaha kung saan umabot sa mahigit 20 metro ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Mahigit 887,000 indibidwal ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan at marami ang walang tubig, kuryente at mga pangunahing serbisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here