Home NATIONWIDE Bataan oil spill ‘di pa nakaaalarma tulad ng sa Mindoro – PCG

Bataan oil spill ‘di pa nakaaalarma tulad ng sa Mindoro – PCG

129
0

MANILA, Philippines – Bagamat malapit na sa Batangas at Naic ang direksyon ng current ng dagat mula sa pinaglubogan ng MT Terra Nova sa Bataan kung saan nakitaan na ng kaunting oil slick, nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi pa ito nakakaalarma kumpara sa nangyari Mindoro.

Sinabi ni PCG Rear Admiral Armand Balilo na ang mga nag-dive ay mga technical divers pa lamang ng Harbour Star at hindi pa ang PCG divers.

“Diko alam bakit di nagkaroon ng coordination pero baka may reason ang Harbor Star baka ang gamit nila ay naka-design lang para sa Harbour Star divers”, ayon kay Balilo.

“Yung siphoning, basta pag nakapag-umpisa ay binigay na timeline samin nung company ay 7 days,” sabi ni Balilo.

Base aniya sa pagsusuri, mayroon nang kaunting leaks na galing sa bulk pero wala pa aniyang pormal na report sa dami ng leak .

Pero ang tiyak aniya ayon sa Harbor Star , ay intact pa ang mga tangke di katulad sa nangyari sa Mindoro na may nasirang tangke sa lakas ng pressure sa ilalim ng dagat.

“Magkakatalo sa amount ng oil na tumagas, minimal pa naman siya, manageable. Hopefully magstay na ganun lang hanggang sa makapagsimula ng siphoning tomorrow,” sabi ni Balilo sa press conference.

Ayon kay Balilo 7 araw ang ibinigay sa kanila n timeline ng kumpanya para sa siphoning.

Samantala, sinabi ni Balilo na ipinagbawal na rin sa mga mangingisda na pumalaot sa bahagi ng Limay ,Bataan ayon na rin aniya sa kautosan ng kanilang alkalde.

Paliwanag ni Balilo, delikado na rin kasi na mangisda dahil baka nakontamina na ang mga isda na mahuhuli o makukuha ng mga mangingisda at ito ay delikado sa kalusugan ng mga tao. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here