Home METRO OCTA sarbey: Isko lyamado ulit sa Maynila

OCTA sarbey: Isko lyamado ulit sa Maynila

182
0

SAKALING matuloy ang banggaan ng dating alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso at si Mayora Honey Lacuna-Pangan, malaki ang posibilidad na manalong muli at makabalik bilang Mayor ng Maynila si Isko.

Ayon sa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Hulyo 6-10, 2024, papalo nang 86% ang boto ni Yorme Isko samantalang nasa 8% naman ang boto ni Mayora Honey kung sakaling ganapin na ang halalan sa Maynila.

Kahit pa pumasok sa bakbakan si Senadora Imee Marcos na napaulat umanong nagbabalak na tatakbo sa pagka-alkalde, tatambakan pa rin ni Yorme Isko ang kanyang mga makakalaban.

Kung maging three-way race ang halalan sa pagitan ni Yorme Isko, Mayora Honey at Senadora Marcos, papalo pa rin ng 75% ang boto ni Yorme, samantalang 17% lang sa Senadora at 7% lang sa kasalukuyang alkalde.

Ang naturang OCTA Research Survey ay isinagawa sa pamamagitan ng panayam sa 1,200 residente ng anim na distrito ng Lungsod ng Maynila.

Nauna nang napaulat na maaaring bumalik si Yorme Isko sa pagkaalkalde ng kapitolyo sa nalalapit na 2025 elections, ngunit nanindigan si Mayora Honey sa isang panayam na tatakbo pa rin siya para sa reelection.

Matatandaan na magkaalyadong tumakbo ang Isko-Honey tandem sa Maynila noong 2019 matapos nilang talunin sina dating Manila City Mayor Erap Estrada at ang kanyang running mate na si Amado Bagatsing. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here