Home OPINION GLOBE TELECOM HINDI PUMAPAYAG IPA-REGISTER SA TUNAY NA SIM HOLDER

GLOBE TELECOM HINDI PUMAPAYAG IPA-REGISTER SA TUNAY NA SIM HOLDER

147
0

Ilang beses ko nang pinakiusapan ang Globe Telecom na i-transfer na ang subscriber identity module sa tunay na subs­criber na gumagamit at maraming taon na siyang postpaid subscriber.

Maganda ang kanyang payment history at hindi naman siya kumuha ng cellphone sa kanila. Bakit hindi sumusunod ang Globe Telecom sa SIM Re­gistration Act, hindi ba dapat nasa panga­lan ng taong guma­gamit ng postpaid number, ayon sa NTC?

Naglabas ng babala ang National Telecommunications Commission (NTC) sa mga patuloy na lumalabag sa mga probisyon ng Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act partikular ang mga nagbebenta ng mga pre-registered SIM.

Nagkaroon ng dayalogo ang NTC sa pangunguna ni Commissioner Ella Blanca Lopez sa mga telecommunication companies (TELCOs), SIM distributors at dealers kung saan muling binigyang-diin ng komisyon ang kahalagahan ng pagsunod sa batas.

Naninindigan ang NTC na ang pagbebenta ng mga pre-re­gistered SIM cards ay may seryosong banta sa pampublikong seguridad.

Alinsunod sa batas, ang mga lalabag ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon at magmumulta ng hanggang Php 300,000.

Sinabi naman ng mga TELCOs na paulit-ulit nilang pinaaalalahanan ang kanilang mga distributor kaugnay sa mahigpit na probisyon sa pagbebenta ng pre-registered SIM at iligal na pa­mamaraan ng pagtulong sa pagrerehistro.

Muling hiniling ng NTC ang suporta ng mga TELCO sa implementasyon ng RA No. 11934 sa gitna ng proliperasyon ng online scamming. Ayon sa Philippine National Police – Anti Cybercrime Group, tumaas ng 21.48 percent sa unang bahagi ng 2024 ang naiuulat sa kanilang cybercrime related cases.

Mula sa 3,668 na insidente noong huling bahagi ng 2023, lomobo ito sa 4,469 noong January 2024, February 2024 at March 2024.

Ibig sabihin, mayroong 49 na insidenteng nagaganap sa bawat araw.

Sinimulan ang SIM registration sa bansa noong December 27, 2022. Sa kasalukuyan, sa datos ng NTC, mayroong 168.02 million ang SIM na nasa iba’t ibang indibidwal at korporasyon pero nasa 113.96 million lamang ang naiparehistro o katumbas ng 67.83 percent.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here