Home OPINION PLUNDER, BRIBERY IKAKASA VS VP SARA

PLUNDER, BRIBERY IKAKASA VS VP SARA

1
0

ANO sa palagay ninyo ang mga posibleng susunod na hakbang ng mga grupong anti-Vice President Sara Duterte makaraan nilang iatras ang tatlong kaso o article sa impeachment court?

Iniatras ng prosekusyon, ang Article 1 (maling paggamit ng confidential find), Article 3 (bribery) at Article 4 (grave threats) at itinira lang nila ang Article 2 (unexplained wealth o tagong yaman).

Sa ngayon, ang grave threats pa lamang ang naisasampa sa Quezon City Regional Trial Court.

Kinukwestyon ng kampo ni VP Sara ang hurisdiksyon ng RTC sa kasong ito dahil isinabay ang pagsasampa ng kaso sa paglilitis dito ng impeachment court.

Paano kaya ngayon na iniatras ng prosekusyon ang kaso sa impeachment court?

Hindi kaya sasabihin ng National Bureau of Investigation at Department of Justice na wala nang balakid sa pagdinig sa kaso sa RTC?

Kung mangyari ito at sasang-ayon ang RTC, hindi kaya susunod ang mga kasong plunder mula sa “maling paggamit ng confidential funds” at bribery o panunuhol?

Dito maaari na ring sasali ang Office of the Ombudsman sa pag-iimbestiga at pagsasampa ng kaso sa kalaunan.

Posibleng mangyari lahat ng ito kahit na ang motibo ay pinsalain lang ang tsansa na maging Pangulo si VP Sara sa bisa ng halalang presidensyal sa 2028.

Sa plunder o pandarambong na ikokonekta sa akusasyong nagkaroon ng nasa P600 milyong confidential fund na “nawawala” si VP Sara, posibleng makulong si VP Sara nang walang piyansa.

Ganito rin ang sa bribery o panunuhol na pupwedeng ikonekta sa kasong plunder kung aabot ang halaga sa P50 milyon pataas.

Pupwedeng ikulong pa rin nang walang piyansa si VP Sara.

Makalalabas lang siya sa bisa ng piyansa sa mga posibleng kasong plunder at bribery kung hindi malakas ang ebidensya.

Kung mangyari lahat na pamiminsala kay VP Sara, ano-ano kaya ang mga susunod na mangyari?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here