Home OPINION 5K NCRPO COPS ITINALAGA SA PROJECT ESKWELA

5K NCRPO COPS ITINALAGA SA PROJECT ESKWELA

136
0

NASA 5,000 pulis ng National Capital Region Police Office ang itinalaga sa iba’t ibang paaralan, pampubliko at pribado, simula nitong Lunes, Hulyo 29, ang unang araw ng pagpasok sa eskwelahan.

Sinabi ni NCRPO regional director PMGen Jose Melencio Nartatez Jr., handa ang kanyang mga tauhan sa pagtupad sa kanilang tungkulin kaugnay sa “Project Eskwela” kung saan layon nito ang pangangalaga sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Gayunman, iginiit ni Nartatez na hindi lang mga estudyante ang babantayan ng mga pulis na itinalaga sa mga paaralan subalit maging ang mga guro, ibang manggagawa sa paaralan at mga nagbabantay sa mga bata.

Ayon pa sa regional director,  bukod sa pagtupad sa “Project Eskwela” patuloy rin ang regular na trabaho ng mga pulis para sa kaayusan at kapayapaan sa komunidad. Magtatalaga ng mga pulis sa bawat eskwelahan mula umaga sa oras ng pasok at hanggang sa pagtapos ng klase upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng komunidad mula sa iba’t ibang klase ng krimen.

Bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pananalasa ng bagyong Carina, unang nagsagawa ng “Brigada Eskwela” ang mga tauhan ng NCRPO sa iba’t ibang pampublikong paaralan na nasasakupan nito.

 Nagtulong ang mga magulang ng mga bata, iba’t ibang non-government organization at pulisya sa pagsasaayos ng mga paaralan na gagamitin ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral na malaking bagay para sa pamahalaan lalo na sa Department of Education.

Kasabay nito, magandang balita ang hatid ng NCRPO sa kanilang mga tauhan na solo o single parent. Ipinatutupad ng NCRPO base sa kautusan ni Gen. Tateng, tawag kay Nartatez, na  mas bigyang prayoridad ang pagbibigay ng kaluwagan sa trabaho sa mga solo parent o single parent.

Hindi lang mga pulis na solo o single parent ang makikinabang sa pagduty sa trabaho kaugnay sa batas sa iisang magulang subalit maging ang mga non-uniformed personnel ay nais ring pagaanin ang trabaho lalo na sa pagduty.

Ito ay dahil naiintindihan ng top cop ng NCRPO na kailangan ng solo o single parent na asikasuhin ang kanilang mga anak na magsisipasok sa paaralan ngayong simula na ng klase para sa school year 2024-2025.

Dagdag pa ni Nartatez, mahirap para sa solo parents ang asikasuhin ang kanilang mga anak nila dahil sa kawalan ng katuwang na mag-aasikaso. Kailangan ng mga bata ng tamang paggabay upang hindi ang mga ito maligaw ng landas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here