Home ENTERTAINMENT Direk Joey, nanawagan, dumipensa kay Carlos!

Direk Joey, nanawagan, dumipensa kay Carlos!

161
0

Manila, Philippines – Mas lalong mahalaga ang ginagampanang papel ng media lalo na ngayong ipinagbubunyi ng ating mga kababayan ang dalawang medalyang gintong nasungkit ni Carlos Edriel P. Yulo sa Paris Olympics 2024.

Nakamit ng 24 anyos na atleta ang dalawang gold medals sa men’s floor exercise at vault sa artistic gymnastics sa magkasunod na araw.

Pero habang nagdiriwang ang ating mga kababayan sa tagumpay ni Caloy ay nabahiran ng intriga ang dapat sana’y glorious moment niya.

Ito’y dahil sa paggawa ng eksena ng kanyang sariling ina na si Angelica dahil sa mga paratang nito kay Caloy na pinalalabas niyang naimpluwensyahan ng nobyang si Chloe San Jose.

Pera ang pinag-ugatan ng sama ng loob ni Angelica, na kinontra naman ni Chloe.

Pero kung titimbangin, ‘di hamak na mas lamang pa rin ang kampi kay Caloy.

Isa na nga rito si direk Joey Reyes.

Viral ang panawagan ng award-winning director tungkol sa alitan ng mag-ina.

Kasabay nito’y nananawagan din si direk Joey sa media.

Post niya: “Don’t give media space to Caloy’s mother who wants to tarnish the moment of glory of her son!”

Kabi-kabila nga naman kasi ang pinauunlakang panayam ni Angelica.

Patuloy pa ng ina: “She and her narrative should be collectively ignored!”

Matatandaang sa post ni Angelica ay tatlo lamang ang itinuturing niyang mga anak.

Sa larawang ipinost niya, mapapansing wala si Caloy.

Nang sitahin ng netizen, nanindigan si Angelica na: “Sakto na, kumpleto na sila!”

Maitatanong nga ng marami na may ganoon palang ina sa kanyang sariling anak?

Umaasa naman ang marami na magkakaayos ang mag-ina. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here