Home SPORTS Magulang ni Obiena kumpiyansang muling babangon ang anak

Magulang ni Obiena kumpiyansang muling babangon ang anak

108
0

MANILA,Philippines -Naniniwala ang mga magulang ni EJ Obiena na babalik ang kanilang anak pagkatapos ng mapait na kampanya sa 2024 Paris Olympics.

Nagtapos si EJ sa ikaapat na puwesto sa men’s pole vault finals, na kinapos para sa Olympic medal.

Sa isang panayam, sinabi ng ina ni EJ na si Jeanette na nagbigay ng magandang laban ang kanyang anak.

“He gave a good fight.. I know my son, he will bounce back better,” ani Jeanette. “Ang akin lang is you did your best.”

Hinikayat din ng ama ni EJ na si Emerson, na nagsilbi rin bilang unang coach ni EJ, ang kanyang anak na subukang muli pagkatapos iproseso ang lahat ng kanyang emosyon.

“Kung kailangan niya na ilabas ‘yung sama ng loob niya, kung kailangan niyang iiyak eh ‘di iiyak niya,” ani Emerson.

“Ang ano ko lang, pagkatapos nun, tayo ulit and try again.”

Sinabi ni EJ na wala pa siyang desisyon sa kanyang pagbabalik para sa susunod na Olympics na gaganapin sa Los Angeles apat na taon mula ngayon.

“I think it’s too early. I can’t give anything right now. I cannot promise something that I can’t commit to. I really need to process this a little bit more,” wika ni EJ, ilang sandali matapos ang finals.

Sa isang post sa social media, humingi rin siya ng tawad sa nangyari.

“Nadurog ang puso ko na ang isang kabiguan ay nagdulot sa akin at nagdulot sa akin ng isang bansang lubos kong minamahal—ang podium. Humihingi ako ng paumanhin para sa kinalabasan na ito; ganyan ang buhay na ang mundo ng mapagkumpitensyang palakasan ay maaaring maging kasiya-siya kung minsan, at masakit sa iba. Mayroon akong naranasan pareho at sa kasamaang palad ngayon ay nasa kabilang panig ako nito!”

Maaaring kulang si EJ sa podium ngunit sinabi ng Lungsod ng Maynila na magbibigay ito sa kanya ng reward na P500,000 para sa pagkatawan ng Pilipinas sa Summer Games.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here