Home NATIONWIDE 67 leptospirosis case naitala pagkatapos ng pananalasa ng Carina, habagat

67 leptospirosis case naitala pagkatapos ng pananalasa ng Carina, habagat

174
0

MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang linggong pananalasa ng bagyong Carina at Habagat, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 67 na kaso ng leptospirosis sa buong bansa.

Bagamat 67 pa lamang ang naiulat na kaso sa buong bansa sa pagitan ng Hulyo 14 at Hulyo 27, sinabi ng DOH epidemiologists na maaring mayroong mga naantalang case reports.

Ipinaliwanag ng DOH na ang leptospirosis ay may incubation period mula dalawa hanggang 30 araw, na karaniwang lumalabas isa hanggang dalawang linggo pagkatapos ng pagkakalantad sa kontaminadong tubig-baha.

Mula sa simula ng 2024 hanggang Hulyo 27, sinabi ng DOH na 1,444 na kaso ng leptospirosis ang naitala, na nagpapakita ng pagbaba ng 42 porsiyento kumpara sa 2,505 na kaso na naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Mayroon ding 162 na pagkamatay na may kaugnayan sa sakit sa parehong panahon ngayong taon.

Nanawagan si DOH Secretary Teodoro Herbosa para sa patuloy na pagsisikap na bigyang-diin na ang tubig-baha ay kontaminado at dapat iwasan.

Para sa mga hindi maiwasang tumawid sa tubig-baha, sinabi ni Herbosa na ang antibiotic prophylaxis ay available sa pamamagitan ng reseta kung saan nanatiling may bisa ang prose freeze ng Doxycycline Hanggang Sept. 23.

Idinagdag ni Herbosa na ang mga libreng kapsula ay ibinibigay sa mga health center at ospital ng gobyerno sa buong bansa.

Pinayuhan din ni Herbosa na huwag nang hintayin na lumabas ang sintomas at magpakunsolta sa doktor o health center para sa prophylaxis sa loob ng 24 hanggang 48 oras matapos lumusong sa baha. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here