Home NATIONWIDE Barko ng BFAR binuntutan ng China Coast Guard sa WPS

Barko ng BFAR binuntutan ng China Coast Guard sa WPS

90
0

BINUNTUTAN ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagdala ng tulong sa mga mangingisdang Filipino sa highly-contested West Philippine Sea.

Sa distansyang 150 kilometers mula Palawan, isa ito sa pinakamalpit na oras na binuntutan ng CCG ang barko ng BFAR.

Nagmistulang anino ang CCG 21551 sa BRP Datu Pagbuaya mula Escoda Shoal patungong Lawak at Patag Islands.

Sinasabing hindi pa nagtapos ang China Coast Guard sa pagbuntot sa Filipino vessel mula Iroquois Reef tungong Recto Bank kung saan namahagi ang Datu Pagbuaya ng langis sa mga mangingisdang pinoy.

Nagawa rin ng CCG na makalapit sa BRP Datu Pagbuaya para makapag-rekord at kumuha ng mga larawan ng aktibidad nito,

Ang Recto Bank, ay mayroong oil deposits na dalawa hanggang tatlong beses ang laki kaysa sa Malampaya natural gas field, nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy ng CCG ang surveillance nito sa barko ng BFAR kahit tinapos na nito (BFAR) ang kanilang misyon at bumalik ng Bataan.

Ito ang dahilan para mapilitan ang barko ng pinoy na magpalabas ng radio challenge sa barko ng Tsina.

“In accordance with the international and Philippine national laws, you are within the Philippine EEZ and Philippine mainland. You are conducting illegal activity under Philippine laws. Be advised to stop your current actions. Your actions will be reported and will prejudice our countries’ relations,” ang abala ng mga filipino.

Bagama’t hindi naman pinahinto ng intsik ang resupply operations, mahigpit namang binantayan ng CCG ang bawat galaw ng BRP Datu Pagbuaya ng 10 araw.

Samantala, labis namang nag-aalala ang mga mangingisdang pinoy para sa kanilang kabuhayan. Ang hinaing ng mga ito ay hindi nila magagawang makahuli sa loob ng tatlong buwan dahil sa patuloy na nakabantay, nakamasid ang Chinese vessels para iparamdam sa kanila ang presensiya ng mga ito sa pinagtatalunang rehiyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here