UNITED STATES – Kinasuhan ng US federal grand jury sa Florida ang dating chairman ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa umano’y pagkuha ng suhol sa isang kumpanyang nagbigay ng voting machine para sa 2016 elections sa bansa.
Sinabi ng US Justice Department sa isang pahayag na si Andres “Andy” Bautista, 60, ay nahaharap sa isang bilang ng pakikipagsabwatan sa paggawa ng money laundering at tatlong bilang ng international laundering of monetary instruments.
Kinasuhan din ang tatlong executives ng voting machine company para sa kanilang naging papel sa umano’y panunuhol at money laundering scheme para mapanatili at makakuha ng negosyong may kaugnayan sa 2016 Philippine elections.
Hindi tinukoy ng Justice Department ang kumpanya ngunit isa sa tatlong kinasuhan na executive ay si Roger Alejandro Pinate Martinez, 49, isang Venezuelan citizen at Florida resident na co-founder ng Smartmatic.
Sinasabi ng akusasyon na sa pagitan ng 2015 at 2018, sina Pinate, Jorge Miguel Vasquez, 62, at iba pa ay “nagdulot ng hindi bababa sa $1 milyon na suhol na binayaran” kay Bautista.
Sina Pinate at Vasquez ay sinampahan ng tig-isang bilang ng pagsasabwatan upang labagin ang Foreign Corrupt Practices Act (FCPA)’.
Tulad nina Bautista, sina Bautista, Pinate, Vasquez, at Elie Moreno, 44, dual citizen ng Venezuela at Israel, ay kinasuhan din ng ‘one count of conspiracy to commit money laundering’ at ‘three counts of international laundering of monetary instruments.’
Ipinaliwanag ng US Justice Department na ang isang akusasyon ay isang paratang lamang.
Ang lahat ng mga nasasakdal ay ipinapalagay na inosente hanggang napatunayang magkasala nang lampas sa isang makatwirang pagdududa sa isang hukuman ng batas.
Kung napatunayang nagkasala, sinabi ng departamento, sina Pinate at Vasquez ay nahaharap sa maximum penalty na limang taon sa bilangguan para sa FCPA at pagsasabwatan na lumabag FCPA counts.
“Bautista, Pinate, Vasquez, and Moreno each face a maximum penalty of 20 years for each count of international laundering of monetary instruments and conspiracy to commit money laundering.”
Samantala, ang Office of International Affairs ng Justice Department at ang Philippine Department of Justice at Office of the Ombudsman ay nagbigay ng malaking tulong.
Ang Fraud Section ay may pananagutan sa pag-iimbestiga at pag-uusig sa mga usapin ng FCPA at Foreign Extortion Prevention Act (FEPA).
Noong nakaraang taon, ang Smartmatic ay pinagbawalan ng Philippine Commission on Elections sa bidding ng election contracts ngunit binawi ng Kataas-taasang Hukuman sa bansa noong April.
Si Bautista, na namuno sa election commission mula 2015 hanggang 2017, ay nagbigay sa Smartmatic ng $199 milyon na kontrata para matustusan ang Pilipinas ng 94,000 voting machine para sa 2016 presidential election kung saan nanalo bilang lider si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Mariin itong itinanggi ni Bautista sa X na hindi soya humiling o tumanggap ng anumang bribe money mula sa Smartmatic ay anumang ibang entity.
Matatandaang sinabi ng Smartmatic na hindi sila kailaan nanalo ng proyekto sa pamamagitan ng anumang illegal na paraan at ang alegasyon sa kaso ni Bautista ay walang kaugnayan sa Smartmatic election security o integrity.
Nagsampa ng kaso ang Smartmatic laban sa Fox News at mga dating kaalyado ni dating pangulong Donald Trump, kasama si Rudy Giuliani, dahil sa mga maling pahayag na ginamit ang mga makina nito upang manipulahin ang mga resulta ng 2020 na halalan sa US. Jocelyn Tabangcura-Domenden