Home HOME BANNER STORY Guo pinatalsik na sa pwesto

Guo pinatalsik na sa pwesto

143
0

MANILA, Philippines- Iniutos ng Office of the Ombudsman na masibak sa pwesto si suspended Bamban Mayor Alice Guo dahil sa kasong grave misconduct.

Sa 25 na pahinang desisyon ng Ombudsman, bukod sa pagtanggal sa serbisyo, hindi na makukuha ni Guo ang kanyang retirement benefits at bawal nang tumakbo sa anumang sangay ng pamahalaan.

Ayon sa Ombudsman, ang mga ginawa ni Guo gaya ng pagkakasangkot sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang nasasakupan ay patunay na wala itong pagalang sa batas.

Patunay aniya ito na pansariling interes lamang ang nasa isip ni Guo.

Una nang inireklamo sa Ombudsman si Guo ng Department of the Interior and Local Government sa kasong grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Si Guo ay nahaharap din sa reklamong human trafficking kaugnay sa sinalakay na POGO hub.

Tinukoy siya bilang “a.k.a Guo Hua Ping” sa reklamo.

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Guo at ang Chinese passport holder na si Guo Hua Ping ay iisa lamang batay sa kanilang fingerprints. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here