Home METRO Bangkero utas sa kidlat!METRONATIONWIDETOP STORIES Bangkero utas sa kidlat!August 26, 2024 12:102230 FacebookTwitterPinterestWhatsApp PANGASINAN-Patay ang isang boatman matapos na tamaan ng kidlat sa Alaminos City ng lalawigang ito kahapon, Agosto 25.Ang 28-anyos na biktima na walang asawa ay residente ng naturang lungsod.Nasa gitna ng dagat ang biktima at isang kasama nito papuntang Quezon Island para magsundo ng mga turista nang biglang tamaan ng kidlat.Matapos na tamaan ng kidlat ay wlaang malay na bumagsak sa sahig ng bangka ang biktima.Agad na dinala sa Western Pangasinan District Hospital ang biktima.Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso