Home NATIONWIDE Mga deboto ni Quiboloy nagsagawa ng kilos-protesta sa Maynila

Mga deboto ni Quiboloy nagsagawa ng kilos-protesta sa Maynila

198
0

MANILA, Philippines Nagsagawa ng kilos protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang nasa himigit-kumulang 100 miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) dahil sa ginawang paghalughog o search warrant laban sa kanilang pinuno na si Pastor Apollo Quiboloy at iba pa sa Davao City.

Ang pagtatantya ng Manila Police District nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ng KJC sa Plaza Miranda sa Quiapo kaninang 3:30 ng hapon at nagsimulang magmartsa patungo sa Liwasang Bonifacio noong ika-4 ng hapon.

Ang mga miyembro ng KJC ay paulit-ulit na nananawagan para sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hustisya para sa kanilang pinuno na si Quiboloy, na pinaghahanap dahil sa kasong child abuse, sexual abuse, at qualified trafficking.

Nitong weekend, nasa 2,000 miyembro ng Philippine National Police ang sumalakay sa KJC compound sa Buhangin District, Davao City para isilbi ang arrest warrant para kay Quiboloy.

Bukod pa rito, dalawang biktima umano ng human trafficking ang nailigtas mula sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) compound sa Davao City noong Linggo.

Ang mga pulis ng Davao ay patuloy na naghahanap sa KJC compound at naniniwala na si Quiboloy ay nasa loob pa rin.

Nitong Lunes din, sinabi ni Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo na ang pasukan ng underground bunker ng KJC compound ni Pastor Apollo Quiboloy ay malamang na matagpuan sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Fajardo na ang ground-penetrating radar ng mga awtoridad ay nakakatuklas ng mga “signs of life” sa isang underground area na umaabot sa 20-30 metro. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here