Home METRO 100 pang PNP personnel pumasok sa KOJC compound

100 pang PNP personnel pumasok sa KOJC compound

131
0

MANILA, Philippines- Nasa 100 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang pumasok sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Buhangin District, Davao City nitong Huwebes ng umaga, base sa ulat.

Nasa compound ang PNP personnel sa ika-anim na araw na upang isilbi ang warrants of arrest kay Apollo Quiboloy at apat na co-accused para sa iba’t ibang kaso.

Nagdala rin ang PNP ng  long-range acoustic device o LRAD, isang aparato na nagpo-prodyus ng malakas na tunog para sa komunikasyon sa malayong distansya.

Iniulat ni Abrigana na karaniwang ginagamit ito sa maritime at perimeter security maging pamamaraan ng crowd control. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here