Home HOME BANNER STORY Number coding scheme suspendido pa rin ngayong Martes, Sept. 3

Number coding scheme suspendido pa rin ngayong Martes, Sept. 3

205
0
(c) Balitang Pasay PAGE

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme nitong Martes, Setyembre 3, 2024 dahil sa sama ng panahon dulot ng Tropical Storm Enteng na pinahusay ng Southwest Monsoon (Habagat).

“Suspendidong muli ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) bukas, Setyembre 3 (Martes), kasunod ng anunsyo ng Malacañang na mananatiling walang pasok sa mga pampublikong paaralan at tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR), maging sa Region IV, dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan dulot ng Bagyong #EntengPH at ng hanging habagat,” saad sa MMDA Facebook page.

Nauna nang inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang mga klase sa pribado at pampublikong paaralan at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ay suspendido sa NCR at Region IV.

Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa pitong lugar sa Luzon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here