Home NATIONWIDE 10 sugatan sa nahulog na jeep sa bangin

10 sugatan sa nahulog na jeep sa bangin

168
0

PEÑABLANCA, CAGAYAN – Umabot sa sampung katao ang sugatan na kasalukyan nagpapagaling ngayon sa hospital ang sampung kataong sakay ng isang jeep matapos na mahulog sa bangin sa Brgy. Manga, Peñablanca, Cagayan.

Sakay ng isang jeep na papunta sana sa Brgy. Quibal ang mga biktimang pawang mga residente ng Brgy. Nabbabalayan, Peñablanca upang manood ng basketball at suportahan ang pambato ng kanilang barangay.

Kaugnay rito, habang nasa paakyat na bahagi ng kalsada ang jeep ay may bumaba namang pasahero kaya hininto ng driver ang sasakyan ngunit hindi inasahang magloko ang preno ng jeep kaya ito umatras hanggang mahulog sa gilid ng kalsada.

Tinatayang nasa 20 pasahero ang sakay ng jeep kasama ang driver at 10 sa mga ito ang isinugod sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) matapos magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nabatid na nasa 65-anyos ang edad ng pinakamatanda habang walong taong gulang naman ang pinakabata sa mga biktimang nasugatan.

Sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan ang kondisyon ng mga nasugatan. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here