MANILA, Philippines – Iginiit ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo nitong Lunes, Setyembre 9, na wala siyang relasyon kay Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Calugay sa pagdinig ng Senado sa kaugnayan nito sa nilusob na Philippine Offshore Gaming Operators hub sa kanyang bayan.
Ani Guo, kaibigan niya si Calugay, nang tanungin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kung ano ang relasyon ng una sa alkalde ng Sual, Pangasinan.
“Higit sa pagkakaibigan?” tanong ni Estrada.
“Kaibigan,” tugon naman ni Guo.
“Hindi ko po siya boyfriend.”
Dito na ipinakita ni Estrada ang larawan nina Guo at Calugay na magkatabi, na ipinaliwanag naman niya na kinunan sa Kasalan sa Bayan sa Sual kung saan imbitado siya at ang ibang mga politiko.
Dito naman ipinakita ng senador ang mga larawan ng bulaklak mula kay Calugay na ibinigay umano kay Guo.
“Ang daming bulaklak o. Sana all. Tapos tinanggap mo, tama? Ngayon inaamin mo ba na wala kayong relasyon?” sinabi naman ni Estrada.
“Hindi po tama ‘yung amin, dahil wala naman po kaming relasyon,” sagot ni Guo.
Nang tanungin ng senador kung gaano kalalim ang relasyon ni Guo kay Calugay, muling iginiit ni Guo na sila ay magkaibigan lamang. RNT/JGC