MANILA, Philippines – Ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Eastern Visayas sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay naging tropical depression, sinabi ng state weather bureau PAGASA nitong Martes.
“As of 8AM today, ang Low Pressure Area (09c) ay naging Tropical Depression. Pinapayuhan ang lahat na subaybayan ang mga update mula sa DOST-PAGASA,” sabi ng PAGASA sa isang tropical cyclone update.
Ang tropical depression ay nasa layong 2,320 kilometro silangan ng Eastern Visayas, taglay ang hanging 45 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras.
Mabagal itong gumagalaw pakanluran hilagang-kanluran. RNT