Home NATIONWIDE Rescue ops sa iba pang pinaniniwalaang biktima sa KJC compound, pinag-aaralan ng...

Rescue ops sa iba pang pinaniniwalaang biktima sa KJC compound, pinag-aaralan ng PNP

117
0

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng rescue operation sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) compound sa Davao City para matunton ang iba pang indibidwal na pinaniniwalaang mga biktima rin ng self-proclaimed appointed son of God na si Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Lunes, Setyembre 16, may iba pang posibleng mga biktima sa KJC compound ngunit natatakot lamang na lumantad dahil sa takot sa “angels of death,” o terminong ginagamit ni Quiboloy sa mga umano’y armadong kalalakihan.

“Pinag-uusapan ngayon yan, yung posible rescue operation na puwede nating gawin dahil according sa mga biktima na nakaalis na, ay marami pa siłang mga kaibigan at mga nakasama nila doon din sa org nila na nandoon pa sa loob at natatakot,” sinabi ni Fajardo sa pulong balitaan.

Ani Fajardo, may impormasyon na ang PNP sa mga posibleng biktima na nasa loob ng compound na ibinigay ng iba pang mga biktima ni Quiboloy.

Umapela ang opisyal sa mga hinihinalang mga biktima na humingi ng tulong sa mga nasa labas na ng KJC compound.

“Yung mga kasama sa loob na hanggang ngayon ay natatakot ay puwede silang makipagtulungan doon sa mga kakilala nila na nasa labas para possibly ay ma-rescue sila doon sa loob,” ani Fajardo.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Department of Social Welfare and Development sa paghawak ng kaso.

Nitong Huwebes, ibinunyag ni Fajardo na pinagbabantaan ng mga anghel ng kamatayan ni Quiboloy ang mga biktima niya ng sexual abuse, na hindi mga ‘spiritual beings’ kundi mga armadong kalalakihan. Ito ay batay na rin sa mga testimonya ng mga biktima.

Binalaan umano ni Quiboloy ang mga biktima, ang iba ay 12 anyos pa lamang, na kukunin sila ng “angel of death” kung babaliin nila ang “code of secrecy” kaugnay sa mga sexual crime ng lider.

Matatandaang naaresto si Quiboloy at mga kasamahan nitong sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, at Sylvia Cemanes noong Setyembre 8 sa KJC compound. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here