Home METRO Dagdag-sahod sa E. Visayas tinalakay ng RTWPB  

Dagdag-sahod sa E. Visayas tinalakay ng RTWPB  

164
0

TACLOBAN CITY- Nagsagawa ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board-8  ng public consultations sa posibilidad ng dagdag-sahod sa Eastern Visayas.

Sa Kapihan sa Philippine Information Agency, sinbai ni Cecilio Baleña, mediator-arbiter ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office-8, na inaasahan nilang maipalalabas ang bagong wage order bago matapos ang taon.

Subalit, hindi inihayag ni Baleña ang posibleng halaga ng wage increase para sa minimum wage earners sa rehiyon.

Idinagdag ng opisyal na natapos na nila ang kanilang public consultations sa Catbalogan at Ormoc City.

Sunod nilang kokonsultahin nila ang Tacloban at Maasin City, kabilang ang bayan ng Catarman, sa Northern Samar.

Huling nag-isyu ang RTWPB ng wage order noong Nobyembre 2023 upang itaas ang daily minimum wage sa rehiyon sa P405. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here