Home NATIONWIDE Guo pinatawan ng contempt ng Quad Comm

Guo pinatawan ng contempt ng Quad Comm

138
0
Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES

MANILA – Pinatawan ng House of Representatives Quad Committee (Quadcom) nitong Huwebes ng gabi si ex-Bamban Mayor Alice Guo ng contempt dahil sa mga hindi direktang pagsagot sa mga katanungan sa isinasagawang imbestigasyon.

Ginawa ni Abang Lingkod Party-list Representative Stephen Paduano ang mosyon na i-contempt si Guo matapos niyang labagin ang Section 11 Paragraph C ng House rules procedure na namamahala sa mga pagtatanong.

Walang pagtutol na ginawa at ang mosyon ay inaprubahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, pangkalahatang tagapangulo ng Quadcom.

Sinundan ito ni Paduano ng pangalawang mosyon na nananawagan ng detensyon kay Guo hanggang sa pagtibayin sa plenaryo ang committee report sa imbestigasyon.

Inaprubahan ng komite ang parehong mga mosyon.

Gayunpaman, sinabi ni Paduano na ang isyu ng hurisdiksyon ay kailangan pa ring pag-usapan pagkatapos ng pagdinig dahil si Guo ay nasa kustodiya na ngayon ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Iginiit ni Paduano na sadyang umiwas si Guo sa pagpiyansa para manatiling nakakulong sa PNP Custodial Center.

Ipinunto niya kung paano hindi kayang magpiyansa ng P180,000 si Guo, na umano’y may bilyong pisong asset.

“Again you are lying. Kasi the real reason why you didn’t bail out because you want to be detained doon sa (at the) PNP Custodial Center,” ani Paduano. RNT

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here