Home NATIONWIDE Senate probe ikinasa vs pagpaslang sa ilang Teduray leaders sa BARMM

Senate probe ikinasa vs pagpaslang sa ilang Teduray leaders sa BARMM

142
0

MANILA, Philippines – Matapos kondenahin ang pagpaslang sa ilang miyembro ng tribu, naghain ng isang panukalang resolusyon ang isang senador upang iimbestigahan ang krimen na lumikha ng pagkabahala sa indigenous community sa Bangsamoro Region.

Sa pahayag, inihain ni Senador Robin Padilla ang resolusyon upang paiimbestigahan ang sunud-sunod na pagpatay ng ilang myembro ng tribong Teduray sa Bangsamoro Region.

Pinakahuling biktima ng krimen ang isang lider Teduray at village councilman Elvin Moires nitong Setyembre 17.

Ihinain ni Padilla ang Senate Resolution 1203 matapos maalarma dahil umabot na sa 75 ang bilang ng napatay ng miyembro ng Teduray tribe.

“The rising number of killings within the Teduray tribe is alarming, with the latest count of defenseless individuals killed reaching seventy-five… It must be emphasized that injustice and violence do not have a place in any civilized society and no just cause justifies brutalities against the lives of all persons,” aniya.

Ani Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, pinaslang si Moires ng di kilalang tao habang pauwi galing sa tribal wedding ceremony.

Nagkaroon siya ng reputasyon bilang pinuno ng mga Lumad sa South Upi na ipinaglalaban ang karapatan ng indigenous people.

Dagdag niya, simula 2018, naging biktima ang Teduray at Teduray-Lambingan ng pagbabanta at pagpatay “for strongly advocating against land encroachment, and displacement or dispossession of their ancestral lands.”

Noong Disyembre 20, 2022, pinaslang si Jocelyn Palao, ang pinuno ng ancestral domain division ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao Ministry of Indigenous Peoples Affairs, matapos umalis sa kanyang tanggapan sa Cotabato City.

Nitong Abril, si village councilman Juanito Promboy ng Barangay Tuayan ay pinatay ng naka-motorsiklo habang papunta sa Barangay Limpongo.

Pinatay naman ng armadong kalalakihan si South Upi Vice Mayor Roldan Benito at security aide niya habang papunta sa Barangay Pandan sa South Upi noong Agosto 2.

Ani Padilla, kinikilala ang Teduray na indigenous cultural community sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Sultan Kudarat at Bangsamoro region.

Ikinalungkot niya na ang pagpatay ay sa kabila ng probisyon ng Saligang Batas na kinikilala ng estado ang karapatan ng indigenous cultural communities “within the framework of national unity and development.” Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here