Home NATIONWIDE Igme lumabas na ng PAR

Igme lumabas na ng PAR

135
0

MANILA, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Igme.

Huli itong namataan ng PAGASA sa layong 520 kilometro hilaga, hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng tropical depression Igme ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 35 kilometro kada oras.

Bagama’t hindi na inaasahang magdadala ng direktang epekto sa bansa, magpapaulan pa rin ang southwest monsoon o Habagat sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Zambales at Bataan.

Habang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil din sa Habagat ang asahan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Western Visayas, Northern Samar, Eastern Samar at Samar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here