Home ENTERTAINMENT Caption ni Bea, nakakaintriga!

Caption ni Bea, nakakaintriga!

177
0

Manila, Philippines- Biglaan ang Madrid trip ni Bea Alonzo.

As we all know, Madrid is the capital of Spain kung saan may millions-worth of apartment ang Kapuso actress.

Bea left for Madrid with Ben Chan.

Hindi malinaw ang pakay ng kanilang sabay na pag-alis with companions.

Pagkatapos nga ng taping para sa Widows’ War ng GMA, diretso agad si Bea sa NAIA.

Bukod sa shopping at dining at fancy restos there, balitang itse-check ni Bea kung ano pang mga gamit sa kanyang apartment ang kailangan niyang bilhin.

Pero hindi ang purse ng travel ni Bea ang nakakaintriga.

Baffled ang mga netizens sa caption ng post ni Bea sa kanyang Instagram Stories.

She wrote: “When you’re no longer waiting for Romeo…charot lang!”

Dalawa kasi ang maaaring ipakahulugan ng nasabing “cryptic” caption.

It’s either Bea has given up on her search for Mr. Right or may natagpuan na siyang bagong mamahalin.

Pero ang latest tsika, mismong si Bea na rin ang nagsabing she’s still single although may mga nagpapalipad-hangin.

Ano nga ba ang totoo—is Bea in love again? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here