Home ENTERTAINMENT Nadine, tablado na kay James!

Nadine, tablado na kay James!

Manila, Philippines- Let bygones be bygones.

Waring ito ang nais sabihin ni James Reid sa mga taong nagpapantasya pa ring ibalik ang loveteam nila ng kanyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Nabanggit kasi ni James na magseseryoso na siyang muli sa kanyang acting career.

For a while nga naman ay isinet aside muna niya ito in favor of other things.

James opted to zero in his interest on music.

Kakambal nga nito’y ang pagtatag niya ng record label na Careless Music, which also dabbles in talent management.

Siguro nga’y totoo ang kasabihang once an actor, always an actor.

Pero nilinaw ni James na hindi kasama sa kanyang pagbabalik-acting ang ma-identify uli sa mga tambalan.

At lalong hindi kasama ang muling makatrabaho si Nadine.

Aniya, “I don’t see it happening. Out of respect for my girlfriend.”

Siyempre, si Issa Pressman ang tinutukoy ni James whose feelings he wants to protect as much as possible.

Nakiusap pa nga si James sa mga fans who continue to dwell in the past.

“I’ve moved on already. Saka ‘yung pag-ayaw ko is also for my peace of mind!” git ni James.

For sure, Nadine shares the same feeling.

Out of respect na rin sa kanyang nobyong si Christoph Bariou.

And didn’t it come from Nadine herself na gusto niyang kumawala sa mga loveteam-loveteam na ‘yan? Ronnie Carrasco III