MANILA, Philippines – Sinira ng mga awtoridad ang fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P2 milyon sa isinagawang eradication operation sa Barangay Licudan, Sugpon, Ilocos Sur.
Ayon kay Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista, Police Regional Office-1 director, nasa kabuuang 10,050 FGMJPs ang binunot at sinunog sa tatlong taniman.
Inatasan niya ang kapulisan na patuloy ang pagiging alerto laban sa illegal na aktibidad at hinimok ang mga komunidad na tumulong upang masiguro ang seguridad ng rehiyon. RNT/JGC