Home NATIONWIDE 41 partylist aprub sa Comelec; 142 ligwak

41 partylist aprub sa Comelec; 142 ligwak

95
0

MANILA, Philippines – Nasa 41 bagong Party-list groups na ang na-accredit ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na mas mababa ang kabuuan kaysa sa halos 70 bagong organisasyong na-accredit para sa 2022 polls.

May kabuuang 177 party-list organization ang lumahok sa mga nakaraang halalan.

Hindi tinanggap ng poll body ang aplikasyon ng 142 iba pang grupo sa iba’t ibang dahilan, tulad ng kawalan ng by-laws, maling listahan ng mga miyembro, maling pagpirma, kahina-hinalang adbokasiya at pekeng mga dokumento.

Ayon kay Garcia, maaring madagdagan pa ang listahan.

Ang Comelec’s Office of the Clerk of the Commission ay may hanggang ngayong linggo para isapinal ang listahan ng mga accredited party-list groups.

Samantala, sinabi ni Garcia na ilalagay ng poll body ang mga server nito para sa 2025 elections sa tatlong lokasyon.

Ang tatlong lokasyon na hindi tinukoy ni Garcia ay maglalaman ng central server, back-up server at isa pang server para sa mga stakeholder ng halalan tulad ng media, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, National Movement for Free Elections, at majority at minority parties.

Ani Garcia, layunin nilang maging transparent hanggat maari at mas mabilis ang access at mas mabilis ang resulta pero ligtas .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here