MANILA, Philippines – Magdaraos ng isang linggong selebrasyon ang Department of Justice (DOJ) sa pagunita ng 127th Founding Anniversary nito.
Sa isang kalatas idaraos ang founding anniversary celebration mula September 23 hanggang September 27, 2024.
Gugunitain ang patuloy na pangako ng kagawaran na manindigan sa rule of law, pananagutan, ang pagiging patas at makatotohanan.
Sinimulan ang ooening ceremony sa pamamagitan ng tugtog ng Bureau of Corrections (BuCor) Drum and Bugle Band, Interpretative Dance Contest sa saliw ng Bagong Pilipinas Hymn at ang welfare seminar para sa senior citizen employees ng DOJ.
Mayroon din Food and Merchandise Trade Fair at Sports Fest ng nga emoleyado.
Mula September 24-25 idaraos naman ang government service caravan na kabibilangan ng iba’t ibang government frontline services mula NBI, PhilHealth, PSA at PAG-IBIG para sa mga kawani at kanilang kamag-anak.
Magkakaroon naman ng Thanksgiving Mass at Honorary Lunch sa Huwebes, September 26.
Ipapakita rin sa publiko ang larawan ng pinaka unang Secretary of Justice ng Pilipinas na si
Severino Delas Alas.
Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla will be delivering his Anniversary Message to the DOJ family during the culmination day.
“This anniversary is evidence to the DOJ’s 127 years of unwavering commitment to upholding the principles of justice without fear, falter nor favor. May this landmark in upholding the Rule of Law serve as a constant reminder to all that the pursuit of justice is an endless journey which requires the collective efforts of us all. Again, a meaningful 127th Founding Anniversary to my hardworking colleagues,” ani Justice Secretary Crispin Remulla.
Sa pagtatapos ng selebrasyon magdaraos ang
Witness Protection, Security and Benefit Program (WPSBP) ng blood-letting activity sa 27 September sa pakikupagtulungan sa Philippine Red Cross. Teresa Tavares