Home METRO Higit 40 bahay natupok ng sunog sa Zamboanga City

Higit 40 bahay natupok ng sunog sa Zamboanga City

13
0
via Zamboanga City Fire District

ZAMBOANGA, Philippines – Mahigit 40 bahay na yari sa light materials ang natupok sa sunog sa Barangay Sangali, Zamboanga City madaling-araw ng Huwebes, na nag-iwan ng higit 50 pamilya na nawalan ng tirahan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection–Zamboanga City Fire District, naiulat ang sunog pasado 1 a.m. at mabilis na umabot sa third alarm. Isang residente ang nagtamo ng minor injuries habang tinatayang ₱1.4 milyon ang paunang halaga ng pinsala.

Siyam na fire truck ng BFP, tatlong water tanker ng ZCDRRMO, isang ambulansiya, isang Nancy Water tanker, at mga auxiliary responder ang rumesponde upang maapula ang apoy. Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

Pagsapit ng umaga, sinimulan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pag-profile at assessment sa mga pamilyang inilikas sa Sangali covered court bilang paghahanda sa pamamahagi ng food packs, temporary shelter assistance, at iba pang agarang ayuda.

Iniutos ng lokal na pamahalaan sa CSWDO, ZCDRRMO, at iba pang ahensiya na magbigay ng mabilis na tulong sa mga naapektuhang residente.

Hanggang Biyernes ng umaga, nakapaghatid na ang ZCDRRMO ng mga jerry can na may purified water, dalawang portable toilet, at isang 200-litro na tangke ng tubig sa evacuation site. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here