Home NATIONWIDE Pruweba ng stranded sa transport strike inilabas ng MANIBELA

Pruweba ng stranded sa transport strike inilabas ng MANIBELA

MANILA, Philippines – Sinabi ng transport group na MANIBELA na ang ilang commuters noong Martes ng umaga ay “stranded” habang idinaos ng grupo ang ikalawang araw ng kanilang transport strike laban sa modernization program ng gobyerno.

Ayon sa Manibela naapektuhan ang pasahero ng kanilang inilunsad na 2 araw na transport strike.

Nabatid sa ulat na pinipigilan ng transport strike ang trapiko sa mga bahagi ng Welcome Rotonda mga pasaherong apektado sa inilunsad na transport strike ng Manibela na nilahukan din ng PISTON.

Nitong Lunes, unang araw ng transport strike sinabi ng gobyerno na walang naging malaking epekto ang isinagawang transport strike ng grupo.

Kaugnay nito sa anim na pahinang mosyon, hiniling ng PISTON sa Korte na lutasin ang petisyon nito “upang maiwasan ang malubhang at hindi na maibabalik na pinsala sa bahagi ng mga nagpetisyon, ng iba pang mga operator at tsuper, ng mga commuter, at lahat ng kanilang pamilya at publiko sa pangkalahatan.”

 

“Naghain po kami ng motion to resolve. Hinahamon po namin ang SC (Supreme Court) na pagpasyahan na ang aming mga aplikasyon para sa TRO o kaya preliminary injunction,” ayon sa PISTON’s legal counsel, na si Atty. Kristina Conti.

 

Sinabi pa ng transport group na ang isang modernong jeepney unit ay nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon, isang halaga na kahit na ang mga bangko na pinamamahalaan ng estado na LandBank at Development Bank of the Philippines ay sinabing masyadong mahal para sa mga driver at operator ng PUV.

Noong una, sinabi ng LTFRB na ang mga PUV na hindi nag-consolidate pagkaraan ng Abril 30 na deadline ay ituturing na “colorum” o isang PUV na tumatakbo nang walang prangkisa.

Nabatid na nasa 81.11% o 155,513 sa 191,730 PUV units ang pinagsama-sama noong Mayo, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

May kabuuang 36,217 PUVs ang nanatiling unconsolidated. (Santi Celario)