Home NATIONWIDE 2 OFWs sa SoKor nawawala – ulat

2 OFWs sa SoKor nawawala – ulat

138
0

MANILA, Philippines- Nawawala ang dalawang Filipino domestic workers sa South Korea, batay sa ulat.

Ayon sa Korea Times, huling nakita ng dalawang manggagawa nang umalis ang mga ito sa kanilang quarters noong Setyembre 15 sa kasagsagan ng Chuseok holidays, subalit hindi na nakabalik sa trabaho noong Setyembre 18.

Bagama’t walang malinaw na rason sa kanilang pagkawala, hinihinalang dahil ito sa maliit na sahod dahil sa maiksing working hours at takot sa lay-offs kumpara sa manufacturing jobs, base sa ulat.

Nakatakdang iulat ng job placement agency na nangangasiwa sa dalawa ang kanilang unauthorized absence sa regional labor office at sa justice ministry sa Huwebes. 

Idedeklara silang illegal immigrants sakaling hindi pa rin sila mahanap.

Nakikipag-ugnayan na sa Department of Migrant Workers at sa Overseas Workers’ Welfare Association para sa update sa mga Pilipino.

Bahagi ang mga nasabing manggagawa ng 6-month program na nagpadala ng 100 domestic helpers mula sa Southeast Asian nations upang ibsan ang childcare burdens at paigtingin ang birth rate sa South Korea.

Nakatanggap umano ang dalawang helpers ng halos 1.47 million KRW o nasa P61,000 bilang training allowance noong Setyembre 2 and at nagsimulang magtrabaho sa ilalim ng six-month pilot project na pinangunahan ng Seoul city government para sa foreign nannies noong Setyembre 3.

Sa kabila ng insidente, binanggit ng city government na normal pa rin ang pagtatrabaho ng natitirang 98 manggagawa sa ilalim ng programa. Dagdag nito. Makikipag-ugnayan ito sa iba pang labor ministry upang paghusayin ang sahod at working conditions ng mga manggagawa. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here