Home METRO 3 tulak na may 2 sumpak timbog sa P156K ‘tobats’ sa Bulacan...

3 tulak na may 2 sumpak timbog sa P156K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

139
0

Bulacan – Arestado ang dalawang pinaghihinalaang tulak nang mahulihan ng P136,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report na nakarating kay PCOLSatur Ediong, Officer-in-Charge ng Bulacan police, kinilala ang mga naarestong suspek sa mga alyas na Nard at John.

Nabatid na kinasa ang operasyon ng SJDM police station bandang 12:30 ng madaling araw nitong September 25 sa Brgy. Tunggkong Mangga.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong sachet na pinaghihinalaang shabu na nasa 20 grams, may halagang P136,000, improvised shotgun (sumpak), isang bala at buy-bust money.

Samantala, huli rin sa kaparehong operasyon si alyas J-Mar, 26, single, jobless ng Brgy. San Martin 3 bandang 2:30 ng madaling araw nitong September 24 matapos mahulihan ng 3 grams na pinaghihinalaang shabu na may halagang P20, 400, at sumpak na kargado ng bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.(Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here