Manila, Philippines – Iniulat ni House Speaker Martin Romualdez sa ginanap na 6th Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malakanyang na 60 sa kabuuang 64 priority measures ng administrasyong Marcos ay pasa na.
“As of today, September 25, I am pleased to announce that the House of Representatives has approved 60 out of the 64 total LEDAC CLA priority measures. With a deep sense of gratitude to our hardworking members, I also report that the House of Representatives has approved on third and final reading 26 out of the 28 LEDAC Common Legislative Agenda priority measures targeted for passage by the end of the 19th Congress.”
Ayon kay Romualdez ito ang paraan ng Kamara na maipakita ang suporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa pamamagitan ng maagap na pagpapasa sa priority legislative agenda ng administrasyon.
Pangunahing binanggit ng speaker ang pagtutulungan ng Kongreso at ng Ehekutibo na nagresulta na sa pagsulong ng Philippine Development Plan 2023-2028 at ng paglalatag sa Eight-Point Socio-Economic Agenda sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework.
Ani Romualdez, sa 28 LEDAC priority measures, dalawa dito ay ganap ng isang batas, apat nakatakdang lagdaan ni Pangulong Marcos, dalawa ay niratipikahan na ng bicameral committee, dalawa ay nakasalang sa bicameral conference committee, at ang 14 ay aprubado na at dalawa na lamang ang nakabinbin sa deliberasyon ng komite.
“During the previous LEDAC full council, I reported that the House of Representatives had approved three months ahead of schedule all 20 of the LEDAC CLA measures targeted for passage by June 2024,” paliwanag pa ni Speaker Romualdez.
Kasabay nito ay tiniyak ni Romualdez na isahang aaprubahan ng Kamara ang 2025 General Appropriations Bill sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa parehong (GAB) upang matiyak na ito ay maipapasa at magiging isang ganap na batas bago matapos ang 2024.
“Last Monday, plenary deliberations on the bill began at 10 a.m. and went well into the wee hours of Tuesday morning, ending at 2:56 a.m. Yesterday (Tuesday), we received communication from His Excellency certifying to the urgency of the passage of the 2025 GAB. The House of Representatives commits to approve the FY 2025 General Appropriations Bill on second and third reading by today’s session, before we adjourn for the October recess.”
Kasabay nito ay pinasalamatan din ni Romualdez ang mga kasamahang mambabatas dahil sa ipinakitang kooperasyon upang maipasa ang 26 sa kabuuang 28 LEDAC priority bills. (Meliza Maluntag)