Home METRO Sekyu dinamba sa pagdalirot sa 16-anyos

Sekyu dinamba sa pagdalirot sa 16-anyos

111
0

MANILA, Philippines – NAHAHARAP sa maraming kaso ng seduction, rape at sexual abuse ang isang security guard makaraang maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taguig City.

Ang security guard ay inaresto makaraang ireklamo ng mga magulang ng pinakahuli niyang biktimang disisais anyos.

Inireklamo ang gwardya ng seduction, child abuse at rape sa 16-anyos na dalagita.

Modus operandi umano ng 29 anyos na suspek na makipag-usap sa online dating app at magpakilalang musician.

Kapag nakuha ang interes ng bibiktimahin, yayain nito sa Instagram at makikipagpalitan ng text messages at pambobola.

Sa bandang huli ay kukumbinsihin mag usap sa pribadong lugar at duon na gagawin ang panghahalay.

“Hanggang talagang naloko na niya yung minor ay nagkita sila sa motel, doon naganap ang pang aabuso,” sabi ng NBI sa panayam.

“Sinabi niya na gagawa sila ng fake ID. Palalabasin na of legal age na yung victim. Dahil sa panloloko niya, na-consummate ang panghahalay , pag-uwi ng bata doon na nalaman na may nangyari,” sabi ng NBI.

“Gawain niya ito dahil, ayon sa investigation natin, marami na siyang nabiktimang minors”, sabi pa ng NBI. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here