Home METRO John Amores, utol kinasuhan ng attempted homicide

John Amores, utol kinasuhan ng attempted homicide

179
0

MANILA, Philippines- Naghain ng Attempted Homicide complaints laban sa PBA player na si John Amores at kanyang kapatid dahil sa umano’y pagpapaputok ng baril sa isa pang lalaki matapos ang basketball game sa Lumban. 

Inihain ang reklamo sa Municipal Circuit Trial Court sa Lumban, Laguna. Nagrekomenda naman ng piyansang P24,000 para kay Amores at P10,000 para sa kanyang kapatid.

Makikita sa isang CCTV footage ang pagbaba ni Amores mula sa isang motrsiklong minamaneho ng 20-anyos niyang kapatid sa Barangay Maytalang Uno bandang alas-5 ng hapon noong Miyerkules bago umano paputukan ng kanyang baril ang lalaki.

Sumuko sa mga pulis ang magkapatid nitong Huwebes. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here