Home NATIONWIDE Posting ng COCs, CONA ng mga kandidato para sa Eleksyon 2025 kasado...

Posting ng COCs, CONA ng mga kandidato para sa Eleksyon 2025 kasado pagkatapos ng filing period

218
0

MANILA, Philippines- Sisimulan ng Commission on Elections (Comelec) na mag-upload sa kanilang website ng certificates of candidacy (COC) ng mga kandidato para sa 2025 elections, dalawang linggo pagkatapos ng filing period, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Ayon kay Garcia, isusumite pa mula sa probinsya, munisipyo ang COCs ng kandidato at mangyayari lamang mga isang linggo pagkatapos ng filing ng COC mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No 11045, sisimulan ng poll body na i-post ang COCs kabilang ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONAs) ng mga kandidato sa Okt.18, 2024.

Ito ay alinsunod sa Data Privacy Act dahil ito ay magsisilbi umanong pampublikong abiso ng deklarasyon ng aspirant ng mga kwalipikasyon para sa posisyong hinahangad.

Noong Hunyo, inaprubahan ng Comelec en banc ang panukalang i-upload ang mga isinumiteng COC at CONA sa kanilang website.

Muli ring iginiit ni Garcia na ang mga itinalagang opisyal na tatakbo sa botohan sa Mayo 2025 ay ituturing na nagbitiw sa kanilang mga pwesto sa pagsusumite ng kanilang mga COC.

Samantala, nakasaad sa Section 44 ng Comelec Resolution No.11045 na “any person holding a public appointive office or position including active members of the AFP, and other officers and employees in government-owned or-controlled corporations, shall be considered ipso resigned from the office and must vacate the office at the start of the regular office hours of the day when facto the aspirant filed the COC.”

Kabilang sa  government officials na nagpahayag ng kanyang pagtakbo para sa darating na halalan si Interior Secretary Benhur Abalos. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here