Home METRO Rider dedo sa tandem

Rider dedo sa tandem

185
0

MANILA, Philippines- Isang delivery rider ang nasa malubhang kalagayan ngayon makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang nagse-cellphone sa gilid ng kalsada sa Brgy. Marulas, Kawit, Cavite.

Kasalukuyang inoobserbahan sa ospital ang biktima na si alyas Joseph dahil sa tama ng bala sa ulo.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na natukoy na dalawang lalaking magkaangkas sa isang motor na tumakas matapos ang insidente. 

Batay sa ulat, bandang alas-3 ng hapon, katatapos lamang mag-deliver ng biktima nang tumigil ito sa gilid ng kalsada sa Centennial Highway, nang sumulpot ang magkaangkas na suspek at dito agad na pinagbabaril sa ulo ang biktima.

Nagsasagawa ng follow-up at backtracking ang pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa mga posibleng dinaanan ng mga suspek. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here