Home METRO Misis binoga ni mister todas!

Misis binoga ni mister todas!

173
0

MANILA, Philippines- Isang ginang binaril at napatay ng kanyang mister  makaraang magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan nila hanggang mauwi ito sa pagpatay sa Brgy. Salitran 1, Dasmarinas City, Cavite.

Sa report, kinilala ang biktima na si Alyas Marianne, residente ng 160 Aguinaldo Crispulo St, ng nasabing lugar.

Pinaghahanap naman si alyas Kenny, asawa ng biktima, na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Base sa salaysay ng kanilang anak, bago ang insidente ay narinig niyang nagtatalo ang kanyang ina at amain bandang alas-11:40 kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa 160 Aguinaldo Cris Pulo Street, Brgy. Salitran 1, Dasmarinas City., 

Kasunod nito ay nakarinig siya ng dalawang magkasunod na putok at nakita ang ina na bumulagta sa sahig ng kanilang tahanan.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip sa suspek. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here