Home METRO Tatlong bangkay nadiskubre sa damuhan sa Cebu

Tatlong bangkay nadiskubre sa damuhan sa Cebu

200
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ang bangkay ng tatlong indibidwal sa madamong bahagi ng Barangay Pajo, Daanbantayan, Cebu nitong Lunes ng umaga, Setyembre 30.

Kinilala ni Police Staff Sergeant George Chavez, desk officer ng Daanbantayan Police Station, ang mga biktima na sina Leo Andrino Rodrigo, residente ng nasabing barangay; Randolf Russel Circon, residente ng Barangay Lano, Daanbantayan; at Calixto Mahayahay, residente ng Barangay Población, Daanbantayan.

Ani Chavez, iniulat ng isang concerned citizen ang pagkakadiskubre sa tatlong bangkay sa lugar.

Nakitaan ng mga sugat ang katawan ng mga biktima.

Ipinoproseso pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang crime scene.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here