Home NATIONWIDE 11 nasagip sa rumaragasang ilog sa Zambales

11 nasagip sa rumaragasang ilog sa Zambales

189
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang 11 indibidwal, karamihan ay mga guro, matapos silang maistranded habang tumatawid sa rumaragasang ilog sa lahar-prone area na Botolan, Zambales kasabay ng malakas na pag-ulan nitong Linggo, Setyembre 29.

Ayon kay Andy Divino, hepe ng Botolan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), agad silang naglunsad ng operasyon nang malaman ang pangyayari.

Limang guro mula sa Ateneo School ang bumisita sa Poonbato Integrated School para tulungan ang mga mag-aaral.

Ang Poonbato Integrated School ay isang Aeta community sa liblib na lugar sa Botolan.

Sumama sa limang guro ang tatlong residente at tatlong karagdagang guro mula sa isang paaralan.

Nang pauwi na ang mga ito ay nagkaproblema ang kanilang 4×4 vehicle dahil sa malakas na agos ng ilog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here