MANILA, Philippines – IBINAHAGI ng Department of Budget and Management (DBM) na ginawa nitong mahusay ang 255 public financial management (PFM) practitioners, kabilang na ang mga budget officers, auditors, at finance officers mula local government units (LGUs) ng Kalakhang Maynila upang masiguro ang ‘responsable, transparent at episyenteng’ paggamit ng public funds.
Sinabi ng DBM na ang capacity building training session na idinaos mula Sept. 15 hanggang 17 sa Taguig City ay alinsunod sa Public Financial Management Competency Program (PFMCP) ng departamento.
“Our ultimate goal in PFMCP is to promote good governance, financial accountability, and effective resource management in your respective localities,” ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Aniya pa, ang capacitating local financial officers ay isa sa mahalagang sangkap ng PFM Reforms Roadmap 2024-2028, itinuturing na blueprint para gawing makabago at modernisado ang PFM landscape ng bansa.
Sinabi pa ng Kalihim na “its PFMCP for LGUs covered sessions on: Maintaining PFM Understanding, Principles of Internal Controls and Internal Audit, Relationship Management, Budget Preparation, Budget Authorization and Review, Budget Execution and Accountability, Procurement, and the Procurement Service.”
Layon ng programa ay “to equip local financial managers with knowledge and skills to help them manage resources effectively and efficiently, particularly their respective shares in the national tax allotment.”
Sa kabilang dako, inilabas na ng departamento ang “Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P10 billion para pondohan ang mga proyekto sa ilalim ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (RAFPMP).
Ang pinakabagong funding tranche, SARO-BMB-D-24-0015786, ay inilabas, ng alas-5 ng hapon, ng Setyembre 27, 2024.
Ang pondo ay ipinadala sa Department of National Defense.
Ang pondong ito ay gagamitin “to cover the funding requirement” ng iba’t ibang proyekto sa ilalim ng Annex A ng RAFPMP.
Wala namang karagdagan at akmang detalye na ibinigay sa katangian ng modernization projects para sa security reasons.
Gayunman, sinabi sa ulat na ang mga pondong ito ay malamang na gamitin para palakasin ang ‘cyber defense at communications capability’ ng AFP. Kris Jose