Home HOME BANNER STORY Presyo ng LPG sisirit ngayong Oktubre

Presyo ng LPG sisirit ngayong Oktubre

166
0

MANILA, Philippines – Taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang sasalubong sa mga Pinoy ngayong Oktubre.

Sinabi ng kumpanya ng langis na Petron na tataas ang presyo ng LPG ng 80 centavos kada kilo.

Samantala, sinabi ng Solane, sa hiwalay na advisory, na mas mataas ang presyo ng LPG nito sa 82 centavos kada kilo.

Noong Setyembre, nagpatupad din ang mga kumpanya ng langis ng pagtaas ng presyo ng 55 centavos kada kilo para sa household LPG. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here