Home ENTERTAINMENT Status reveal, hinihintay na kina Richard at Barbie!

Status reveal, hinihintay na kina Richard at Barbie!

237
0

Manila, Philippines- Nakabalik na nga ng bansa mula sa Italy ang rumored couple na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Kasama ngang kinaray ni Richard si Barbie sa taping sa binansagang boot country.

Para ‘yon sa Incognito series kung saan isa sa mga bida si Richard, eh, si Barbie?

Well, she has nothing to do with the teleserye.

May pa-photo reveal nga–hindi ang couple–kundi ang owner at staff ng isang Filipino resto na kinainan nila sa isang parte sa Italy.

Supposedly private, ipinost ‘yon ng resto owner at staff for which binarag sila ng mga netizens.

Wala kasi ‘yon sa usapan.

But other netizens came to the resto staff’s rescue–ano nga naman ang gagawin sa mga kuhang larawan?

Nagpasalamat nga ang resto owner sa couple for stopping by.

Isa nga namang malaking karangalan ang mabisita sila para doon kumain ang rumored couple.

Now that their photos are all over media–a telling sign na may “something” kina Richard at

Barbie–ang hinihintay ng lahat ay ang kanilang status reveal.

Although obyus naman, mas maganda kung sila mismo ang magkukumpirma ng kanilang relasyon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here