Home NATIONWIDE Pulong ni Remulla at Ramos-Horta naging matagumpay

Pulong ni Remulla at Ramos-Horta naging matagumpay

224
0

MANILA, Philippines – Itinuring ng Department of Justice na matagumpay ang pagbisita ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Timor Leste President José Ramos-Horta kung saan tinalakay ang mahahalaga at kritikal na usapin sa bansa.

Sa isinagawang state visit ni Remulla sa Timor-Leste, personal na ipinaalam nito kay Ramos-Horta ang impormasyon na ipinagbabawal na sa Pilipinas ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Ipinabatid ito ng DOJ dahil sa mga ulat na ang Timor Leste ay isa sa mga posibleng lugar kung saan maaaring ilipat ang mga operasyon ng POGO.

Idinetalye ni Remulla ang mga hamon na pinagdaanan ng bansa noong panahon na malaya ang operasyon ng POGO, kabilang ang mga isyu sa krimen, pag-iwas sa regulasyon, at banta sa kaligtasan ng publiko.

Pinag-usapan din ng DOJ at pamahalaan ng Timor Leste ang kaso ng puganteng si dating congressman Arnolfo Teves, Jr., na itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa noong 2023.

Nagpahayag ng tiwala si Remulla na ipagkakaloob ng Timor-Leste ang kahilingan ng Pilipinas na ma-extradite na si Teves para kaharapin ang mga kaso nito.

“This case is about delivering justice under the rule of law and ensuring that those responsible for these heinous crimes are held accountable. We continue to respect the sovereignity and legal processes of Timor-Leste, but we are steadfast in our resolve to pursue justice for the victims in the Philippines,” ani Remulla.

Tinalakay din sa state visit ang mga usapin sa national security at international cooperation. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here